Home NATIONWIDE 2 HVI timbog sa P47.6M shabu sa Tawi-Tawi

2 HVI timbog sa P47.6M shabu sa Tawi-Tawi

179
0

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang high-value individual (HVI) matapos makumpiska ang tinatayang P47.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Sibuto, Tawi-Tawi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasabat sa operasyon ang pitong golden-yellow tea bags na may markang “Guanyinwang” na naglalaman ng humigit-kumulang pitong kilo ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na Alvin at Ben, kapwa residente ng Bongao, Tawi-Tawi.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, iniulat din ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaaresto sa 23 most wanted persons sa iba’t ibang operasyon sa buong bansa mula Marso 9 hanggang 11.

Sa nasabing bilang, 21 ang kabilang sa listahan ng most wanted, kabilang ang isa na nasa national-level list ng Department of the Interior and Local Government.

Nasabat din ng pulisya ang tinatayang P26 milyong halaga ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon.

Pinuri ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga operatiba sa patuloy na pagsisikap na mahuli ang mga pugante at mapigilan ang pagkalat ng ilegal na droga.

“These accomplishments reflect the dedication and persistence of our police personnel in ensuring that fugitives are brought to justice and illegal drugs are kept off our streets,” ani Nartatez. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here