Pinangunahan ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang ceremonial turnover ng hard hats para sa mga mag-aaral bilang bahagi ng mas pinaigting na paghahanda sa mga sakuna tulad ng lindol.
Patuloy ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa pagpapatupad ng mga programa at hakbang upang matiyak na ang bawat sektor ng komunidad—mga bata, pamilya, at buong pamayanan—ay handa at protektado sa panahon ng sakuna.