Home METRO Italian national, tiklo sa robbery-extortion sa Makati

Italian national, tiklo sa robbery-extortion sa Makati

192
0

MANILA, Philippines – Arestado sa ikinasang entrapment operation ng mga miyembro ng Makati City Police ang isang Italian national matapos mangikil ng P80,000 sa isang negosyante kapalit ng hindi paglalabas ng mga hubo’t-hubad na litrato bago mananghali ng Huwebes, Marso 12.

Kinilala ng Makati City Police ang nadakip na suspek na si alyas Claudio, 74, Italian national at pansamantalang nakatira sa isang condominium unit sa Barangay San Antonio, Makati City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Makati Police Investigation and Detective Management Section (IDMS), naganap ang pag-aresto sa suspek bandang alas-11:30 ng tanghali sa coffee shop ng isang mall sa Barangay San Antonio, Makati City.

Ayon sa biktimang si alyas Rommel, 28, negosyante at residente ng Caloocan City, bina-blackmail siya ng suspek sa pamamagitan ng pangingikil ng P80,000 kapalit ng hindi pagkalat ng kanyang mga litrato na walang split sa katawan.

Dagdag pa ng biktima, matindi ang stress at anxiety na idinulot ng suspek, kaya’t nagdesisyon siyang humingi ng tulong sa IDMS ng Makati City Police, na siyang nagkasa ng entrapment operation sa coffee shop ng mall na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Narekober sa posesyon ng suspek ang P20,000 entrapment money, kasama ng 60 pirasong tig-P1,000 boodle money, isang cellular phone, at isang brown sling bag.

Kasalukuyang nakapiit sa Makati Police custodial facility ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code (Robbery-Extortion) sa Makati City Prosecutor’s Office.

James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here