Home METRO Proteksyon sa OFWs sa MidEast, iginiit ng grupo

Proteksyon sa OFWs sa MidEast, iginiit ng grupo

178
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang ibat-ibang grupo na nagsagawa ng kilos protesta sa Maynila na dapat unahin ng pamahalaan na iligtas ang mga kababayan o mga OFW na naiipit ngayon sa giyera sa Middle East.

Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang kilos protesta para kondenahin at ipanawagan na itigil na ng Estados Unidos at Israel ang pag-atake sa Iran.

Ang nangyayaring giyera ay naglalagay sa peligro ang nasa 2 milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa middle east partikular sa Saudi Arabia, UAE, Qatar, Kuwait, at Bahrain, ayon sa grupo.

Giit pa nila na ang Pilipinas ay hindi na ligtas sa banta ng giyera bunsod na rin ng presensya ng tropa ng Amerika at kanilang mga military facilities sa bansa.

Iginiit ni KMU Deputy Secretary General Joanne Cesario na dapat tutukan at bigyang prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Dapat din anilang protektahan ng gobyerno ang mga komunidad dito sa loob ng bansa upang hindi pagsimulan ng paghahanda o operasyon ng dayuhang militar.

Nararapat din solusyunan at tutukan ng pamahalaan ang problemang dulot ng kaguluhan sa gitnang silangan tulad ng krisis sa langis na dahilan ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here