MANILA, Philippines – Bunsod ng tensyon sa Gitnang Silangan, inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Immigration (BI) na pagbigyan ang visa relief sa mga foreign nationals na apektado ng mass cancellation ng mga papalabas na flights.
Sa inilabas na kautusan ng DOJ, nakasaad na ang mga dayuhang nag-expire ang visa noong Pebrero 28, 2026 ay papayagan pa rin na manatili sa bansa hanggang Abril 1, 2026 na walang babayarang multa.
Sinabi ng DOJ na ito ay pamamaraan ng bansa para mabigyan ng konting ginhawa o pakikisimpatya sa mga dayuhang narito sa bansa ngunit naapektuhan ng giyera sa gitnang silangan.
Nilinaw din ng DOJ na ang inisyatiba ay maikokonsiderang pangako ng Pilipinas sa sangkatauhan kaugnay sa nagaganap na global crisis. Jocelyn Tabangcura-Domenden