Home NATIONWIDE Aguda out, Lacierda in bilang DICT Sec., fake news! – Malakanyang

Aguda out, Lacierda in bilang DICT Sec., fake news! – Malakanyang

197
0

MANILA, Philippines – NOT TRUE!

Ito ang tugon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang hingan ng reaksyon sa ulat na si dating presidential spokesperson Edwin Lacierda ang kinokonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos para di umano’y ipalit kay Department of Information and Communication (DICT) Secretary Henry Aguda.

Matatandaang Disyembre ng nakaraang taon, sumingaw ang balita na nanganganib na masibak sa puwesto si Aguda dahil sa P6.5-billion insertion na ginawa sa DICT noong 2025.

Sinabi ni Castro na kontento naman ang Pangulo sa trabaho ni Aguda.

“Kontento po ang ating Pangulo sa lahat ng kaniyang mga Cabinet secretaries at habang nanatili sila diyan, nandiyan pa rin po ang tiwala ng ating Pangulo sa kanila,” sabi ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here