Home METRO Sindikatong nasa likod ng P6B tobats sa Mindoro, iniimbestigahan ng PNP

Sindikatong nasa likod ng P6B tobats sa Mindoro, iniimbestigahan ng PNP

145
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang international drug syndicate na nasa likod ng halos P6 bilyong halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa baybayin ng Occidental Mindoro.

Ayon kay PNP chief Jose Melencio C. Nartatez Jr., bahagi ng imbestigasyon ang pagtukoy sa mga indibidwal at grupo na nagsisilbing local distribution network ng sindikato.

Natuklasan ng mga sundalo ng Philippine Army 2nd Infantry Division noong Marso 11 ang 43 sako ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 860 kilo at may tinatayang street value na P5.8 bilyon mula sa isang abandoned speedboat sa baybayin ng Paluan, Occidental Mindoro.

Sa follow-up operations, natagpuan pa ang 30 karagdagang pakete ng hinihinalang shabu, habang apat na katao ang naaresto.

Dalawang Chinese nationals na sina Xing Xing Zhan at Bin Shi ang nahuli habang sinusubukang tumakas mula sa speedboat. Naaresto rin ang dalawang Pilipino na sina Jonjon Hernandez at Frial Francisco na umano’y inupahan ng may-ari ng bangka upang hanapin ang dalawang Chinese national.

Sinabi ni Nartatez na inatasan niya ang mga police unit na sundan ang lahat ng lead upang mapanagot ang lahat ng sangkot sa operasyon ng ilegal na droga. Nakikipagtulungan din ang PNP sa Armed Forces of the Philippines at Philippine Drug Enforcement Agency upang mas mapalalim pa ang imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here