Home NATIONWIDE Marami pang makakasuhan na tiwalang DPWH officials – Dizon

Marami pang makakasuhan na tiwalang DPWH officials – Dizon

133
0

MANILA, Philippines – Marami pa umanong masasampahan ng kaso na mga sangkot sa anomalya sa flood control projects sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng pamahalaan.

Sa Kapihan ng Samahang Plaridel, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na may mga opisyal at kawani ng ahensya ang sasampahan ng kaso.

Aniya, hintayin na lamang ang Ombudsman dahil sila ang mag-aanunsyo at maghahain ng kaso.

Mahigit 40 indibidwal, kabilang ang 20 kawani at opisyal ng DPWH, ang kinasuhan ng graft and corruption dahil sa kanilang pagkakasangkot sa mga maanonalyang flood control projects.

Samantala, sinabi ni Dizon na ang mga gawain sa Maharlika Highway, mula Luzon hanggang Visayas at Mindanao, ay temporary short-term solution lamang para maging maayos ang biyahe ng mga tao ngayong Semana Santa.

Kabilang sa pagsasaayos ang reblocking at iilan na lamang ang natitirang bahagi kung saan inaasahang matatapos bago ang Semana Santa.

Pagkatapos ng Semana Santa, sisimulan na ang mas komprehensibong rehabilitasyon.

Kasama sa proyekto ang mga probinsya ng Quezon, Bicol, Camarines Sur, Albay, at Samar.

Target nilang matapos ang proyekto pagsapit ng Hunyo 2027. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here