Home HOME BANNER STORY Special polls sa Antipolo nagsimula na

Special polls sa Antipolo nagsimula na

161
0
Photo by COMELEC

MANILA, Philippines – Pinayagan na rin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga hindi vulnerable sector na makaboto sa isinasagawang special election sa ikalawang distrito ng Antipolo.

Paliwanag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, kinausap niya ang mga guro na papasukin na ang mga wala sa vulnerable sektor na maagang pumila para makaboto na dahil sila ay papasok pa sa opisina o trabaho.

“Sinabihan natin ang mga guro na payagan na total papasok sa opisina. Ano bang purpose na maaga tayong nagbubukas kung wala namang taong pumapasok tapos hindi natin papayagan pumasok yung mga gustong makaboto na,” ani Garcia.

Sinabi ni Garcia na karamihan sa mga botante ay maagang pumila.

Bagamat may naiulat na nahilo sa pila, sinabi ni Garcia na may ‘immediate assistance’ naman na tumugon agad sa kanila.

Ayon kay Garcia, nasa kabuuang 252,763 ang botante sa buong ikalawang distrito ng Antipolo kung saan ang vulnerable sector ay nasa 30-35 percent maliban pa rito sa nadagdag na mga nagdadalang-tao.

Malaking tulong o ginhawa naman ani Garcia kung makaboto nang mabilis ang 30 o 35 percent kung talagang sila ay pumunta agad sa mga presinto.

Ayon kay Garcia, kagandahan din ng early voting hours lalo ngayong malamig ang panahon ay maiwasan ang altapresyon ng mga nasa vulnerable sector lalo na ang mga nakatatanda.

Sa ngayon, base sa monitoring sa Comelec action Centers sa Ynares Convention, sinabi ni Garcia na wala pa namang naiulat na untoward incidents sa kanila kaugnay sa isinasagawang special elections sa ilang mga eskuwelahan. Jocelyn Tabangcura-Domednen

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here