Home ENTERTAINMENT Jopay, kumampi kay Alvin!

Jopay, kumampi kay Alvin!

179
0

Manila, Philippines – Si Jopay Paguia na dating member ng Sex Bomb Dancers ang humingi na ng dispensa para sa tinuran ni Alvin Aragon, asawa ng dati niyang kagrupo na si Izzy Trazona.

If you thought that the whole world was against Alvin, nope–nakahanap ito ng kakampi kay Jopay.

Matatandaang hindi na sumama si Izzy sa reunion concert ng Sex Bomb.

Kung si Alvin ang tatanungin, hindi daw niya maatim na sexy ang kasuotan ng asawa dahil pagnanasahan lang ito ng mga kalalakihan.

Idinamay na din ni Alvin ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Kumbaga, nanganak na ang isyu with Alvin rebuking the gay/lesbian community–dahil nga kasalanan daw ito sa Diyos.

Himself now a practising Christian, nais lang daw ni Alvin na ituro ang tamang landas sa mga ito.

Enter Jopay na sumasang-ayon kay Alvin.

Ani Jopay: “Ako na ang humingi ng pasensya sa tao para kay Alvin na lang. Kasi ang gusto lang naman niya is mapalapit tayo kay Lord.”

Agree naman si Jopay na may diperensya sa paraan kung paano ito sinabi ni Alvin, but he only had the best of intentions.

Sana daw ay patawarin na ng publiko si Alvin, at matigil na ang pambabatikos dito dahil nakakaladkad pati pamilya nito.

Jopay says she feels for Izzy lalo’t may dalawang anak na babae ito: “Kung sa akin nangyari ito, baka hindi ko kayanin!”

Humingi din ng sorry si Jopay sa ibang mga personalidad na naapektuhan sa sinabi ni Alvin. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here