Manila, Philippines – Obyus na binakbakan ni Meg Imperial si Atty. Ferdie Topacio sa isyung sangkot si Anne Curtis.
Hindi na kasi nakuhang pigilan ni Meg ang sarili na mag-post sa Facebook ng kanyang saloobin involving fellow female celebrities na may pagka-sexy ang public image.
Partkular na sinita ni Meg ang pananaw o tingin sa trabaho ng iba sa mga kapwa niya artista.
Ani Meg: “Being an actress or celebrity does not mean our job is to arouse men. Our work is for a much wider audience, not just for men!”
Hindi daw tamang isapubliko lalo na ng mga nasa gobyerno ang pagnanasa ng isang tao.
Giit ni Meg: “Private desire is one thing. Saying it loud in public is another, especially if you are a public servant. Sabi nga, with power comes responsiblity!”
Nakaangkla daw ang pagiging responsable–hindi lang sa paglilingkod kundi maging sa pananalita din.
Nilinaw pa ng aktres na hindi daw sila nananamit o nag-aayos para sa kalalakihan, kundi para sa kanilang sarili.
Aniya: “A woman dressing confidently is not an invitation for disrespect!”
Hiling ng aktres na sana’y gamitin ng mga nasa gobyerno ang kanilang boses “to uplift people, not to normalize remarks that reduce women to objects!”
Samantala, sa isang TikTok video ay nagsalita din ang dating host-actor na si Jojo Alejar.
Bagama’t inamin ng dating That’s Entertainment member na kaibigan niya si Quezon City Rep. Bong Suntay, agree siya na natural daw na mag-imagine ito tungkol sa
gandang taglay ni Anne Curtis: “But to declare it, as in sabihin pa niya, ‘yun ang mali…kaya nga thought ang tawag du’n, eh. Dapat nasa isip mo lang, hindi mo na sinasabi!” Ronnie Carrasco III