Home ENTERTAINMENT Janine, preggy?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Janine, preggy?March 14, 2026 18:172350 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Fake news!Ito ang ipinagdiinan ni Janine Gutierrez sa gitna ng maugong na tsikang nagdadalantao siya.At kanino nga ba kung saka-sakali kundi sa nobyo niyang si Jericho Rosales?But the circulating rumor is nothing but fake news.Nitong March 9, nag-post ang Kapamilya actress ng mga photos taken at a friend’s wedding na inatenan niya.Kasama niya sa okasyon si Jericho pati na ang mga kapatid na sina Jessica at Max.Sa comment section, a netizen asked kung preggy ang aktres: “Sabi sa balita, buntis daw si Ate Janine…pero hindi naman siya mukhang buntis dito.”Ibinase ‘yon ng netizen sa kasuotan ni Janine–na hindi naman kinakikitaan ng baby bump.Diretsong tugon ni Janine: “FAKE NEWS!!!!!”Walang iniwan ang buntis isyung ito sa napabalitang inalok na siya ng kasal ni Jericho.Matatandaang April 9 noong kumalat ang photo ng isang sailboat sa Boracay which says: “Janine Gutierrez said yes!”Inakalang umoo na ang aktres sa alok ng nobyo, na nilinaw ni Janine in her June 20 interview.Natawa at nagulat na lang ang walang kamalay-malay na aktres.‘Yun pala’y campaign lang ‘yon ng isang ad! Ronnie Carrasco III