Home ENTERTAINMENT Janine, preggy?

Janine, preggy?

235
0

Manila, Philippines – Fake news!

Ito ang ipinagdiinan ni Janine Gutierrez sa gitna ng maugong na tsikang nagdadalantao siya.

At kanino nga ba kung saka-sakali kundi sa nobyo niyang si Jericho Rosales?

But the circulating rumor is nothing but fake news.

Nitong March 9, nag-post ang Kapamilya actress ng mga photos taken at a friend’s wedding na inatenan niya.

Kasama niya sa okasyon si Jericho pati na ang mga kapatid na sina Jessica at Max.

Sa comment section, a netizen asked kung preggy ang aktres: “Sabi sa balita, buntis daw si Ate Janine…pero hindi naman siya mukhang buntis dito.”

Ibinase ‘yon ng netizen sa kasuotan ni Janine–na hindi naman kinakikitaan ng baby bump.

Diretsong tugon ni Janine: “FAKE NEWS!!!!!”

Walang iniwan ang buntis isyung ito sa napabalitang inalok na siya ng kasal ni Jericho.

Matatandaang April 9 noong kumalat ang photo ng isang sailboat sa Boracay which says: “Janine Gutierrez said yes!”

Inakalang umoo na ang aktres sa alok ng nobyo, na nilinaw ni Janine in her June 20 interview.

Natawa at nagulat na lang ang walang kamalay-malay na aktres.

‘Yun pala’y campaign lang ‘yon ng isang ad! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here