Home ENTERTAINMENT Loisa at Ronnie, flinex ang kanilang baby girl!

Loisa at Ronnie, flinex ang kanilang baby girl!

189
0

Manila, Philppines – May bagong yugto sa buhay nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte matapos nilang salubungin ang kanilang unang anak na pinangalanan nilang Runi Lior.

Sa social media, ibinahagi ni Ronnie ang isang larawan ng kanilang baby girl na balot sa swaddle suit na may burdang letrang “R” at “L.”

Sa caption ng aktor, simpleng sabi niya: “Meet our Nili.”

Maging si Loisa ay nag-share rin ng naturang post at may maikling caption na “Our Nili.”

Matatandaang 2016 pa nagsimula ang relasyon nina Ronnie at Loisa at simula noon ay naging isa sila sa mga hinahangaang showbiz couples.

Noong Nobyembre, inanunsyo ni Ronnie na ikasal na sila matapos niyang ilabas sa social media ang ilang larawan mula sa kanilang kasal.

Samantala, Pasko ng nakaraang taon nang ibunyag ni Loisa na buntis siya, na agad ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.

Ngayon, ganap nang nadagdagan ang kanilang pamilya sa pagdating ng kanilang baby girl na tiyak na magdadala ng higit pang saya sa buhay ng mag-asawa. Trixie Dauz

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here