Home HOME BANNER STORY Ceasefire talks sa Iran tinanggihan ni Trump

Ceasefire talks sa Iran tinanggihan ni Trump

189
0

WASHINGTON, USA – Tinanggihan ni Donald Trump, Pangulo ng United States, ang mga diplomatikong pagsisikap ng mga bansang tagapamagitan sa Gitnang Silangan upang simulan ang ceasefire talks sa Iran, ayon sa tatlong source na pamilyar sa usapan.

Sumiklab ang labanan noong huling bahagi ng Pebrero matapos magsagawa ng malawakang air assault ang pwersa ng US at Israel laban sa mga target sa Iran. Dahil dito, lumawak ang digmaan sa rehiyon na nagdulot na ng maraming nasawi at pagtaas ng tensyon sa buong mundo.

Isinara rin ng Iran ang mahalagang rutang pandagat na Strait of Hormuz, na nagdulot ng pagkaantala sa pandaigdigang suplay ng langis.

Ayon sa mga source, ilang bansa kabilang ang Oman ang paulit-ulit na nagtangkang buksan ang diplomatic channels para sa negosasyon. Gayunman, malinaw umano ang posisyon ng administrasyon ni Trump na hindi ito interesado sa ceasefire negotiations sa ngayon at mas nakatuon sa paggamit ng presyur militar upang pahinain ang kakayahan ng Iran.

Samantala, tinanggihan din ng mga opisyal ng Iran ang mga panawagan para sa tigil-putukan. Iginiit nilang hindi sila papayag sa truce hangga’t hindi tumitigil ang pag-atake ng US at Israel at hindi natutugunan ang kanilang hinihinging kompensasyon.

Ang paghinto ng diplomasya ay nangyayari habang nahihirapan ding maayos ang iba pang sigalot sa Gitnang Silangan, kabilang ang mga usapan para sa ceasefire na may kaugnayan sa mas malawak na tensyon sa rehiyon.

Nagpahayag na ng pag-aalala ang mga lider ng iba’t ibang bansa at nanawagan ng pagpigil at pamamagitan, ngunit sa ngayon ay wala pang makabuluhang pag-usad tungo sa negosasyong magtatapos sa labanan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here