Home METRO Voter turnout sa mga liblib na lugar sa Antipolo, mababa sa inaasahan

Voter turnout sa mga liblib na lugar sa Antipolo, mababa sa inaasahan

142
0

MANILA, Philippines – Napansin ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) noong Sabado ang mababang bilang ng bumoboto sa ilang liblib na lugar sa 2nd congressional district ng Antipolo para sa special elections.

Ayon kay Namfrel Chairperson Lito Averia, sa polling precincts ng Barangay Calawis, tatlo lamang ang bumoto sa isang voting center bago mag-12 ng tanghali, at anim naman sa kabilang sentro.

Aniya, “Insofar as yung turnout sa Calawis, medyo mababa.”

Sinabi naman ni Comelec Chairman George Garcia na sapat ang ginawa nilang voters education campaign at ang mababang turnout ay maaaring dahil sa interes o ibang kadahilanan ng mga botante.

Batay sa datos noong alas-3 ng hapon, halos 49,000 na ang nakaboto mula sa higit 252,000 rehistradong botante sa distrito.

Dahil dito, sinabi ng Comelec na inaasahang maipapahayag ang nanalo sa special elections, Linggo ng umaga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here