Home NATIONWIDE Ridon: ‘Gang P10/litro bawas sa presyo ng langis, posible!

Ridon: ‘Gang P10/litro bawas sa presyo ng langis, posible!

168
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si Terry Ridon, kinatawan ng Bicol Saro Party-list, na posibleng makaramdam agad ng ginhawa ang mga Pilipino sa krisis sa presyo ng langis.

Sa isang media forum noong Sabado, Marso 14 sa Dapo Restaurant sa Quezon City, sinabi ni Ridon na inaasahang masususpinde ang excise tax sa gasolina ng P6 hanggang P10 kada litro sa loob ng susunod na dalawang linggo.

Ayon sa kanya, malapit nang maipasa ng House of Representatives of the Philippines ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan kay Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo, lalo na sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan na nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng langis.

“Approval is just a matter of time. Almost finished na sa (House), hopefully maipasa sa Senado by the end of next week,” sabi ni Ridon.

Kapag naisabatas, ipapadala ang panukala sa Pangulo, na nag-certify na rito bilang urgent measure noong Huwebes.

“So as big as P10 per liter ‘yung pong puwedeng ma-shave off sa presyo ng produktong petrolyo pagka po nasuspendi na ‘yung excise taxes. So malaking bagay po ito and hopefully within the next two weeks ay makapag-benepisyo na po at makinabang ang ating mga kababayan dito po sa intervention po ito,” aniya.

Sinabi rin ni Ridon na makasaysayan at hindi pa nangyari dati ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na agad na bawasan o alisin ang excise tax sa petrolyo.

“Ang pagbigay po ng kapangyarihan sa ating Pangulo na bawasan, suspendihin, tanggalin ang excise taxes sa produktong petrolyo, ito po ay historic, unprecedented, hindi po nagawa kahit noong nagdaan. Kasi noong nagdaan meron pa hong tatlong buwang palugit para magtanggal, magsuspendi ng excise taxes sa produktong petrolyo.”

Ipinaliwanag niya na sa kasalukuyang batas, maaari lamang makialam ang Pangulo kapag ang tatlong buwang average ng presyo ng krudo ay lumampas sa $80 kada bariles. Ngunit sa bagong panukala, aalisin na ang paghihintay na ito.

“To be clear, what makes today’s intervention different is that as soon as the President declares a state of national emergency relating to petroleum prices, we don’t have to wait for three months to do an average,” sabi niya.

“So pagka inflated po ang prices, more than 80 dollars per barrel and there is a declaration of national emergency, immediately implementable ito,” dagdag niya.

Ayon pa kay Ridon, inaasahang maaaring lumampas sa P100 kada litro ang presyo ng langis sa susunod na dalawang linggo. Aniya, malaking tulong ang P10 na bawas sa presyo hindi lamang sa sektor ng transportasyon kundi sa buong ekonomiya.

Sinabi rin niya na kinilala ng Pangulo at ng mga miyembro ng Kamara ang pangangailangang kumilos agad dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at gasolina.

“This crisis on the prices of oil is confronted by the entire strata of economic sectors. Hindi lang naman po ang mga mahihirap ang nahihirapan dito, kahit po ang middle class ay nahihirapan. What is most important today is for us to be able to provide immediate economic relief to our countrymen,” ani Ridon.

“So if it is something that can be undertaken in the soonest time, government will do it and it is doing it today,” dagdag niya.

Tungkol naman sa posibleng mabawas na kita ng gobyerno, sinabi ni Ridon na hindi lamang sa excise tax nanggagaling ang kita ng pamahalaan.

“Yung pong usapin ng revenues, di naman galing po sa excise taxes ang revenues, meron pa ho itong ibang pagkukunan.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here