JERUSALEM, Israel – Sinabi ng Israel noong Sabado na ang digmaan laban sa Iran ay pumapasok na sa “decisive phase,” kasabay ng mga pagsabog sa iba’t ibang lungsod sa Gitnang Silangan, kabilang ang pag-atake sa US embassy sa Baghdad at sa isang malaking energy facility sa United Arab Emirates.
Ayon sa mga ulat, tinamaan ng drone ang embahada ng US sa Iraq, pangalawang beses mula noong Pebrero 28 nang atakihin ng US at Israel ang Iran. Libu-libong tao ang napilitang lumikas, at mahigit 1,200 ang nasawi sa Iran.
Tumaas ng 40% ang presyo ng langis dahil sinuspinde ng Iran ang operasyon sa Strait of Hormuz at nagbanta sa mga shipping at energy facilities sa Gulf. Itinuring ni US President Donald Trump na target ang Kharg Island, pinakamalaking oil export hub ng Iran, at sinabi niyang nawasak ang lahat ng military targets ngunit ligtas ang energy facilities.
Sinabi ni Israel’s Defense Minister Israel Katz na ipinapakita ng mga strike sa Kharg na pumapasok na sa “decisive phase” ang digmaan, ngunit ito ay magpapatuloy “hanggang sa kinakailangan.”
Sa kabila ng superior na pwersa ng US at Israel, tila determinado pa rin ang Iran na ipagpatuloy ang laban, kabilang ang missile at drone attacks laban sa hindi bababa sa 10 kalapit na bansa.
Nag-ulat din ang Iran ng mahigit 3.2 milyon na lumikas sa loob ng bansa, habang ang US at Israel ay tumama na sa mahigit 15,000 target sa loob ng dalawang linggo. Ayon sa Pentagon, umabot sa $11.3 bilyon ang gastos ng unang anim na araw at may 13 na nasawing military personnel ng US.
Ang tensyon ay nagdulot ng pangamba sa ekonomiya ng buong mundo habang patuloy ang pagsabog sa Tehran, Tabriz, Fujairah, at Doha, at nagpatuloy ang paglikas ng mga residente. RNT/MND