Home TOP STORIES North Korea naglunsad ng higit 10 ballistic missiles kasabay ng US-South Korea...

North Korea naglunsad ng higit 10 ballistic missiles kasabay ng US-South Korea drills

191
0

SEOUL, South Korea – Nagpahayag ang militar ng South Korea na naglunsad ang North Korea ng higit 10 ballistic missiles patungo sa dagat noong Sabado, kasabay ng military drills ng US at South Korea.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea, inilunsad ang mga missiles mula sa paligid ng Pyongyang bandang ala-1:20 ng hapon (0430 GMT). Sinabi rin ng coast guard ng Japan na may na-detect na maaaring missile na bumagsak sa dagat, ngunit lampas sa kanilang exclusive economic zone.

Matagal nang nagte-test-launch ang North Korea ng iba’t ibang ballistic at cruise missiles sa layuning makagawa ng nuclear weapons, at nananatiling ipinapataw sa kanila ang UN Security Council sanctions mula 2006.

Ipinatupad naman ng US at South Korea ang taunang drills na depensibo lamang, kasama ang river-crossing exercises gamit ang tanks at armored vehicles. Mayroon ding 28,500 tropa ng US at fighter jet squadrons sa South Korea.

Sinabi ng North Korea na ang ganitong drills ay parang “dress rehearsals” para sa posibleng agresyon laban sa kanila. Samantala, ipinagpapatuloy ni US President Donald Trump ang diplomatikong hakbang para muling makipag-usap kay North Korean leader Kim Jong Un. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here