Home OPINION PINOY SA EUROPA APEKTADO NG OIL CRISIS

PINOY SA EUROPA APEKTADO NG OIL CRISIS

163
0

KUNG hirap man ngayon ang libo-libo o daang libong Pinoy sa Middle East dahil sa giyerang Iran laban sa United States at Israel, hindi kaya susunod ang mga Pinoy sa 27 bansang European Community o EC?

Nagtatanong tayo, mga brad, dahil tumitindi ang pang-ekonomiyang krisis sa EC hindi lang dahil sa giyera sa Middle East kundi dahil sa giyerang Russia at Ukraine na nagpapasabog ng krisis sa langis.

Marami-rami rin ang Pinoy, karamihan overseas Filipino workers, sa EC gaya ng 155,500 sa Italy; 57,300 – Germany; 50,000 – France; 12,000 – Belgium; 16,700 – The Netherlands; 14,000 – Hungary; 58,500 – Slovakia at iba pa.

Nagtatrabaho sila ng nasa 3-4 sa iba’t ibang lugar at trabaho maghapon upang mabuhay sila at may maipadala sila sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Sinasabing pahina nang pahina ang ekonomiya ng lahat ng mga bansang EC dahil sa bagsak na suplay at napakataas nang presyo ng langis mula sa Russia, Middle East at United States at lalong humigpit ang krisis nila ngayong ganap nang pinutol ng Russia ang suplay nila ng langis kaysa maghintay ito ng ganap na hindi pagbili ng EC ng langis ng Russia sa 2027.

Lalong lumala ang krisis langis sa EC ngayong huminto ang Qatar ng malaking suplay nila ng liquified natural gas dahil sa pagsasara ng Iran sa Strait of Hormuz.

Marami na umanong nagsara o bahagya ang operasyon ng mga pabrika sa Europa hindi lang dahil sa krisis sa langis kundi dahil sa kompetisyon at pagsasara ng China sa importasyon ng mga produktong EC at pagsasara ng ilang bansang Africa sa kanilang mga negosyo.

Mayroon bang nakahandang mga programa ang gobyerno para saluhin ang mga Pinoy sa krisis empleyo sa EC at pamilya nila sa Pilipinas na umaasa sa padala ng mga ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here