Home METRO 3 arestado sa P10.2M tobats sa Zamboanga

3 arestado sa P10.2M tobats sa Zamboanga

130
0

ZAMBOANGA, Philippines – Arestado ang tatlong hinihinalang drug dealer at nakumpiska ang tinatayang P10.2 milyon halaga ng shabu sa hiwalay na anti-drug operations sa Zamboanga noong Sabado.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Zamboanga Peninsula Director Bryan Babang, nahuli si alyas “Brandon” sa buy-bust sa Corcuera Street, Barangay Zone 4 bandang 7:50 p.m.

Nakuha mula sa kanya ang isang kilo ng shabu na nakabalot sa plastic bag na nagkakahalaga ng PHP6.8 milyon, buy-bust money, cellphone, at sasakyan na ginamit sa delivery.

Samantala, sina alyas “Arnold” at “Ben” ay nahuli sa buy-bust sa labas ng hotel sa Barangay Canelar bandang 4:45 p.m., dala ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PHP3.4 milyon.

Ayon kay Babang, haharap ang tatlo sa kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

“The two anti-drug operations were launched after the suspects agreed to complete the illegal drug transactions with undercover agents,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here