Home HOME BANNER STORY Panukalang pansamantalang pagsuspinde sa excise tax, inaasahang maaprubahan ngayong linggo

Panukalang pansamantalang pagsuspinde sa excise tax, inaasahang maaprubahan ngayong linggo

163
0

MANILA, Philippines – Inaasahang aaprubahan ng House of Representatives ngayong linggo ang House Bill No. 8418 na nagbibigay kay President Ferdinand Marcos Jr. ng kapangyarihang pansamantalang bawasan o suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay House Majority Leader Ferdinand “Sandro” Marcos, layunin ng batas na agad makapagbigay ng ginhawa sa publiko bago tumaas ang presyo ng langis at mas mahal ang pamasahe, pagkain, at iba pang pangunahing gastusin.

Ang panukala ay may mga kondisyon:

–Maaaring gamitin kung ang average Dubai crude price ay umabot o lumampas sa USD80 kada bariles sa loob ng isang buwan, o kapag may deklarasyon ng national emergency o calamity na nagdulot ng matinding pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.

–Maaaring ipatupad bilang buong suspensyon o bahagyang bawas sa excise tax sa piling produkto, at epektibo lamang ng hanggang anim na buwan kada order, hindi lalampas sa isang taon sa kabuuan.

Ayon sa panukala, awtomatikong ibabalik ang excise tax kapag nawala na ang dahilan ng pansamantalang suspensyon o bawas, nang hindi na kailangan ng karagdagang aksyon ng ehekutibo o lehislatibo. Limitado ang kapangyarihan ng Presidente hanggang Disyembre 31, 2028.

Kailangan ding magsumite ang Presidente, sa pamamagitan ng Secretary of Finance, ng ulat sa House at Senate sa loob ng 15 araw mula sa pag-issue ng order at buwan-buwan pagkatapos nito, kasama ang basehan ng aksyon, tinatayang nawalan ng kita, at epekto sa inflation, presyo ng petrolyo, at ekonomiya.

Itinatakda rin ng panukala na ang Department of Finance, Budget, Economy, Planning, Energy, Bangko Sentral ng Pilipinas, kasabay ng BIR at Bureau of Customs, ay maglalabas ng implementing rules at regulations sa loob ng 15 araw mula sa bisa ng batas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here