MANILA, Philippines – SINIMULAN na nitong Lunes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng “Heat Stroke Break Policy” upang maprotektahan ang kalusugan ng kanilang mga traffic enforcer at street sweeper laban sa matinding init ng panahon.
Pinangunahan nina MMDA Chairman Atty. Don Artes at General Manager Nicolas Torre III ang pamamahagi ng galon-galong inuming tubig, insulated na lalagyan at reusable water bottle sa mga tauhan sa Timog Avenue bilang bahagi ng kampanya para sa kaligtasan at pangangalaga sa kalikasan.







