Home NATIONWIDE Isko nagpasalamat sa pagpabor ng SC sa ‘basura fee’ sa Maynila

Isko nagpasalamat sa pagpabor ng SC sa ‘basura fee’ sa Maynila

156
0
Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos ibasura ng Korte Suprema ang petisyon laban sa Manila City Ordinance No. 9151 na may kinalaman sa paniningil ng garbage collection fees sa lungsod.

Ayon kay Domagoso, malugod na tinanggap ng pamahalaang lungsod ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagpatibay sa ordinansa. Aniya, malinaw na pinanindigan ng mataas na hukuman ang umiiral na batas.

“We welcome the Supreme Court’s resolution dismissing the petition against Manila City Ordinance No. 9151, and we thank the Honorable Court for upholding the rule of law,” saad sa pahayag ni Yorme Isko.

Ipinaliwanag ng alkalde na mahalaga ang na-update na bayarin sa koleksyon ng basura upang matiyak na tuloy-tuloy at maayos ang waste management services sa buong Maynila.

Dagdag pa ni Domagoso, ang nasabing hakbang ay makakatulong upang mapanatiling malinis, maayos at disiplinado ang kapaligiran sa lungsod, lalo na sa gitna ng patuloy na paglaki ng populasyon.

Tiniyak din ng alkalde na ang pamahalaang lungsod ay magpapatuloy sa pagpapatupad ng mga polisiya na naglalayong pangalagaan ang kalusugan ng publiko at ang kalikasan.

Binigyang-diin ni Domagoso na ang mga programang ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng lungsod na makapaghatid ng mas maayos at episyenteng serbisyo para sa bawat Manileño.

“Rest assured that the City Government of Manila will continue to implement policies that promote public health, environmental protection, and better services for every Manileño.” pahayag ni Domagoso. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here