Home NATIONWIDE 50% toll fee cut nais ipatupad sa mataas na presyo ng langis

50% toll fee cut nais ipatupad sa mataas na presyo ng langis

131
0

MANILA, Philippines – Isang House Resolution ang inihain sa Kamara ni Manila Rep Rolando Valeriano na nagsusulong na magpatupad ng emergency measure ang administrasyon upang matapyasan ng kalahati o 50 porsiyento ang toll fees sa lahat ng expressway sa bansa sa gitna ng patuloy na paglobo ng presyo ng langis.

Sa Resolution 879 na inihain ni Valeriano ay hinihimok nito si Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara ng State of Imminent Disaster sa ilalim ng Republic Act No. 12287 at Republic Act No. 10121 na ang batayan ay ang pagtaas ng presyo ng langis na magkakaroon ng domino effect sa presyo ng pangunahing bilihin at pamasahe.

Sinabi ni Valeriano na tuwing tumataas ang presyo ng langis ay tumataas ang operating costs ng mga public transport operators, logistics companies at private motorists, ang lahat ng dagdag na ito ay ipinapasa sa mga consumer kaya kung ibababa ang singil sa toll fee ay ang publiko ang makikinabang.

“Reducing toll fees, even temporarily, can help ease the pressure on transport and logistics operators and prevent further increases in the prices of goods and services,” ani Valeriano.

Sa ilalim ng panukala ay aatasan ang Toll Regulatory Board (TRB) na i-convene ang mga toll operators at concessionaires at gamitin ang kapangyarihan sa ilalim ng Presidential Decree No. 1112, o Toll Operation Decree at amyendahan ang Toll Operation Certificates na inisyu sa mga expressway operators at payagan ang temporary reduction sa toll fees.

Naniniwala si Valeriano na mapipigilan ang pagtaas ng inflation rate kung makagagawa agad ng hakbang ang pamahalaan na matulungan ang maraming Filipino sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

“Lowering mobility costs during periods of extraordinary fuel price volatility can help stabilize economic activity and protect the livelihoods of millions of Filipinos,” pagtatapos pa ni Valeriano. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here