Home ENTERTAINMENT Kim, aminadong ang tipo ni Paulo ang bet mapangasawa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kim, aminadong ang tipo ni Paulo ang bet mapangasawa!March 16, 2026 19:172130 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sumalang sa lie detector test ang love team partners na KimPau nina Kim Chiu at Paulo Avelino.Natanong sila kung ini-stalk nila ang isa’t-isa lalo na’t kung wala silang ganap na magkasama.“Yes” ang sagot ni Kim dahil ka-search search daw naman para sa kanya si Pau.Affirmative rin ang naging tugon ni Paulo.Sa tanong naman kung magaling ba silang magtago ng sikreto, “hindi” ang naging sagot ni Kim samantalang “oo” ang reply ni Pau.Inamin naman nilang pareho nilang tsinetsek ang mga komento ng kafaneyan sa kanila sa social media.Naniniwala naman si Kim na magiging mabuting asawa o partner si Paulo sa tunay na buhay.Katuwiran niya, malawak daw kasi itong mag-isip.Sa kaso naman ni Paulo, nakikita niyang magiging good partner ito dahil sa pagiging family oriented ng chinita actress.Para rin kay Kim, mas magaling na aktor kesa sa kanya si Pau.Sa tanong naman kung type niyang lalake si Paulo, lie ang isinagot niya kaya sumemplang ito sa lie detector test.Katuwiran ng chinita actress, nilaro lang daw niya ang lie detector machine.Ibig sabihin, type niya si Paulo.Inamin din ni Pau na si Kim ang tipo niyang babae.Inokray naman siya ni Kim at sinabing sanay na siyang masaktan.Pareho raw naman nilang naisip na mag-quit noon sa pag-arte. Archie Liao