Home NATIONWIDE P95.2M shabu sa Surigao nasakote

P95.2M shabu sa Surigao nasakote

146
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng pinagsamang operatiba ang tinatayang 14 kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride, o “shabu,” na may street value na P95.2 milyon sa Port of Lipata sa Surigao City noong Marso 14, 2026.

Sa inspeksyon sa pantalan, nagbigay ng positibong indikasyon si Coast Guard Working Dog Nicole, isang trained narcotics detection dog, sa spare tire ng sasakyan na ginamit ng suspek.

Nang inspeksyonin ng mga awtoridad ang sasakyan, natuklasan ang mga umano’y ilegal na droga na nakatago sa loob ng spare tire, dahilan upang arestuhin ang suspek.

Ang suspek ay haharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang operasyon ay resulta ng intelligence report na natanggap ng Coast Guard Intelligence Unit-Northeastern Mindanao (CGIG-NEM).

Kasunod ng ulat, nakipag-ugnayan ang CGIG-NEM sa Coast Guard Station Surigao del Norte, Coast Guard Sub-Station Lipata, at Coast Guard K9 Team Lipata, kasama ang iba pang ahensya ng law enforcement sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here