Home NATIONWIDE Holiday sa 5 LGUs idineklara ng Malakanyang sa lokal na selebrasyon

Holiday sa 5 LGUs idineklara ng Malakanyang sa lokal na selebrasyon

146
0

MANILA, Philippines – NAGDEKLARA ang Malakanyang ng special (non-working) days sa ilang local government units (LGUs) para pahintulutan ang mga residente na magdiwang ng mahalagang local events at mga anibersaryo.

Sa ilalim ng hiwalay na proklamasyon na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., idineklara ang special non-working day sa Marso 19 para sa munisipalidad ng Dingras sa Ilocos Norte upang ipagdiwang ang Ani Festival sa ilalim ng Proclamation No. 1191, habang ang Lungsod ng Malaybalay sa Bukidnon ay magdiriwang naman ng ika-28 taong Charter Anniversary sa Marso 23 sa ilalim ng Proclamation No. 1192.

Ang Las PiƱas City ay magdiriwang naman ng 119th Founding Anniversary at 29th Cityhood Anniversary sa Marso 27 sa ilalim ng Proclamation No. 1186.

Gugunitain naman ng Sipalay City at Lungsod ng Himamaylan sa Negros Occidental ang kanilang charter anniversaries sa March 31 sa ilalim ng Proclamations No. 1187 at No. 1188, ayon sa pagkakabanggit.

Karaniwan namang idinedeklara ng Malakanyang Special non-working days para bigyan ng pagkakataon ang mga residente na magpartisipa sa ‘local festivities at commemorative activities’ na magha-highlight sa kultura at development ng kanilang komunidad. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here