Home METRO 3 kabataan huli sa panghoholdap sa 2 menor de edad

3 kabataan huli sa panghoholdap sa 2 menor de edad

245
0

ROXAS, Isabela – Arestado ang tatlong kabataan na hinihinalang sangkot sa panghoholdap sa kapwa kabataan sa Quezon, Isabela matapos ang isinagawang hot pursuit operation ng mga otoridad.

Una rito, naganap ang insidente kaninang madaling araw sa Barangay Arellano, Quezon, Isabela, kung saan nabiktima ng tatlong suspek ang dalawang menor de edad na sina alias “Nickson,” 14-anyos, at alias “Jomel,” 12-anyos, habang sila ay nakaupo sa isang waiting shed kasama ang kanilang kaibigan na si alias “Michael,” 12-anyos.

Dumating ang isang motorsiklo na may sakay na tatlong lalaki at nagdeklara ng holdap ang dalawang back rider kasabay ng paglalabas ng patalim.

Kinuha ng mga suspek ang dalawang cellphone ng mga biktima na tinatayang nagkakahalaga ng P20,000.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay agad na nagsagawa ng flash alarm at hot pursuit operation ang Quezon Police Station katuwang ang Mallig Police Station matapos ireport ang insidente.

Sa pagtugis ng kapulisan naabutan ang mga suspek sa bayan ng Roxas, Isabela matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang Hyundai van na naging dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Kinilala ang mga nahuli na sina alias “Jimmy,” 18-anyos, alias “Ricky,” 16-anyos, at alias “Rey,” na pawang mga residente ng Tabuk City.

Samantala, pinuri naman ni PCol. Bringas ang mabilis na aksyon ng kapulisan upang madakip ang mga sangkot. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here