Home NATIONWIDE Local poll officials pinuri ng Comelec sa matagumpay, malinis na eleksyon sa...

Local poll officials pinuri ng Comelec sa matagumpay, malinis na eleksyon sa Antipolo

153
0
Photo by COMELEC

MANILA, Philippines – Inilarawan ng Commission on Elections (Comelec) ang katatapos lamang na special elections sa ikalawang distrito ng Antipolo bilang “isa sa pinakamalinis” na botohan na ginanap sa bansa.

Kasabay nito, pinuri ito ni Comelec chairman George Erwin Garcia at sinabi na walang nangyaring hindi kanais-nais na insidente kaugnay sa ginanap na halalan noong Sabado, Marso 14.

Ayon kay Garcia, mayroon lang silang tatlong buwan na paghahanda para sa nasabing espesyal na halalan na may limitadong pondo na P11 milyon.

Sinabi ni Garcia na isa sa mga innovation na maaari nilang ipatupad sa pambansa at lokal na halalan sa hinaharap ay ang automated na paraan ng paghahanap ng pangalan ng isang botante nang hindi gumagamit ng hard copy ng listahan.

Ayon pa kay Garcia, ang maagang oras ng pagboto sa pagitan ng alas-5 at alas-7 ng umaga ay nakakatulong din sa pagpigil sa mga tao na magtiis ng mahabang linya para lamang bumoto.

Nauna nang sinabi ni Antipolo Election Officer Joseph Vega na nakapagsumite ang mga electoral board ng election returns sa tamang oras.

Nasa 33.3 percent lamang ng mahigit 250,000 rehistradong botante sa 2nd District ng Antipolo ang bumoto noong Sabado.

Idineklarang nanalo sa pwesto sa Kamara ang kandidato ng National Unity Party (NUP) na si Philip “Dok Bong” Acop.

Pupunan ni Dok Bong ang nabakanteng pwesto ng kanyang ama na si Romeo Acop na pumanaw noong Disyembre 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here