MANILA, Philippines – Inendorso ng ang mga kaso sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) laban sa 10 influencer sa kanilang promotion ng umano’y illegal gambling sites, sinabi ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
“Some of them have already had their accounts taken down. Others, the first-time offenders, came to us and promised they would help promote responsible gaming,” ayon kay CICC Executive Director Aboy Paraiso.
“We will monitor these. We’re looking for partners in our government so that we’d reach more our kababayans about the ills and evils of illegal online gambling,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinita ng mga awtoridad sa 10 influencer sa press briefing ngayong buwan.
Kasunod ng pahayag ni Paraiso, naglabas ang CICC ng siyam pang karagdagan sa listahan ng mga influencer na nagpo-promote ng illegal gambling sites.
Sa datos ng CICC, nakita na mayroon itong nasita na 79 unique pages na may combined 148.18 milyon na followers, kung saan 12,000 followers ang pinakamababa at 12 million naman ang pinakamataas.
Samantala, sinabi ni Paraiso na nakatanggap ang Action Center ng CICC ng 1,891 report mula sa mga concerned citizen kaugnay sa illegal gambling sites sa internet mula Enero 1 hanggang Marso 1, 2026. RNT/JGC