Home HOME BANNER STORY Malakanyang ‘di naka-full alert, routine exercise lang – Castro

Malakanyang ‘di naka-full alert, routine exercise lang – Castro

157
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na ang makikitang security activity malapit sa Palace complex ay bahagi lamang ng outine exercise para subukin ang kahandaan ng security personnel.

Ang pahayag na ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace press officer Claire Castro ay matapos lumabas ang mga larawan sa social media na nagpapakita ng pagdami ng security presence malapit sa Mendiola, nag-udyok sa espekulasyon na ang Malakanyang ay inilagay sa heightened alert.

“It is just part of a security exercise to test the operational readiness of personnel and units,” ang sinabi ni Castro sa mga mamamahayag.

Sa ulat, may ilang social media users at commentators ang nagsabi na ang Malakanyang ay nasa “full alert,” kasunod ng pagkalat ng mga larawan na kuha malapit sa Malacañang security perimeter.

Samantala, ang Mendiola ay nagsisilbi bilang isa sa pinakamahalagang access points sa Malacañang complex, kung saan ang security measures ay regular na isinasagawa ng mga awtoridad para tiyakin ang proteksyon ng mga government facilities at personnel. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here