Home METRO Suspek sa pagpatay sa retiradong pulis sa Maynila binigyan ng 48 oras;...

Suspek sa pagpatay sa retiradong pulis sa Maynila binigyan ng 48 oras; P.5M pabuya iaalok

129
0
Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – “Binibigyan kita ng pagkakataong sumuko sa loob ng 48 oras”

Ito ang babala ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa pangunahing suspek sa pagpatay sa isang retiradong pulis Maynila kasabay ng pag-aalok nito ng ₱500,000 sa sinumang makatutulong sa agarang ikakaaresto nito.

Sa kanyang Facebook Live broadcast ng programang “Talk to the People” nitong Lunes (Marso 16), sinabi ng alkalde na patuloy ang follow-up operations ng Manila Police District upang matunton ang mga sangkot sa krimen sa pagpaslang sa retiradong pulis na si George Capistrano.

Sa nasabing programa, direktang kinausap ni Domagoso ang driver ng motorsiklo na nakita sa video ng insidente. Ayon sa alkalde, kung susuko ito ay handa ang pamahalaang lungsod na tulungan siyang mapasailalim sa Witness Protection Program.

“Magbibigay ako ng ₱500,000 kung susuko ka. Tutulungan ka rin naming mapasama sa Witness Protection Program,” pahayag ni Yorme Isko sa live broadcast.

Ayon sa alkalde, si Capistrano—isang dating pulis ng Maynila at matalik niyang kaibigan—ay pinatay umano ng riding-in-tandem robbery/holdup group na pinaniniwalaang aktibo sa Metro Manila.

Nagpahatid naman ng pakikiramay si Domagoso sa pamilya ng biktima at tiniyak na hindi titigil ang pamahalaang lungsod at pulisya hangga’t hindi napapanagot ang mga salarin.

Nanawagan din siya sa pamilya ng suspek—kabilang ang asawa, magulang at mga kamag-anak—na hikayatin itong sumuko sa loob ng 48 oras at makipagtulungan sa mga awtoridad upang matukoy ang gunman.

Babala ng alkalde, kapag hindi tumugon ang suspek sa alok, ipagpapatuloy ng mga awtoridad ang malawakang manhunt laban sa kanila upang makamit ang hustisya para kay Capistrano at sa iba pang biktima.

“Binibigyan kitang pagkakataong sumuko sa loob ng 48 oras. Kapag lumampas na diyan, gagawin na ng pulis ang kanilang normal na trabaho—hahanapin namin kayo at sisiguraduhing mabibigyan ng hustisya si George Capistrano,” diin ni Domagoso. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here