MANILA, Philippines – NAKAHANDA ang Office of the Vice President (OVP) na tulungan ang mga filipino sa gitna ng giyera sa Gitnang Silangan at pagtaas ng presyo ng langis at iba pang kalakal.
“Kung ano man iyong matulong ng Office of the Vice President, ay gagawin namin. Ipaalam lang sa amin kung paano kami makakatulong,” ang sinabi ni Sinabi ni Vice President Sara Duterte sa Digos City.
“Nakikiisa tayo sa pinagdadaanan ng karamihan nating mga kababayan na Overseas Filipino Workers dahil sa kaguluhan — dahil sa giyera doon sa Middle East,” aniya pa rin.
Winika pa ni VP Sara na ang bansa ay nahaharap sa economic challenges, subalit sinabi na ang pagbangon ay nananatiling posible.
“It will be a difficult road back to prosperity, pero it is not impossible,” ang tinuran ni VP Sara.
Si VP Sara ay nasa Digos City para dumalo sa unveiling ceremony ng statue o bantayog na nagbibigay-galang sa dating kapitan ng barangay kung saan nakipagpulong din siya sa mga lokal na opisyal at mga residente. KRIS JOSE