Home NATIONWIDE Pamilya ng mga OFW sa Middle East sumugod sa opisina ng Malolos...

Pamilya ng mga OFW sa Middle East sumugod sa opisina ng Malolos LGU

191
0

Bulacan – Dumagsa ang maraming pamilya ng mga apektadong OFW naiipit sa giyera sa Middle East sa pamahalang lungsod ng Malolos nang agarang magbigay ito ng kaukulang tulong sa pamamagitan ng “Special Help Desk”.

Sa ulat, nang mapagkalooban ng tulong sa pangunguna ni Mayor Christian Natividad ang nasa 14 pamilya na may mga mahal sa buhay sa Middle East ay dumagsa ang maraming pamilyang Maloleño sa kanilang help desk.

Nitong umaga ng Lunes, Marso 16, umabot sa 36 kaanak ng Maloleñong OFW ang nabigyan ng P10,000 tulong pinansyal mula sa local fund ng pamahalaang lungsod.

Nabatid din na may mahigit 50 pamilyang Maloleño na may kaanak sa lugar ng digmaan ang nakatakdang mabigyan ng mga kaukulang tulong sa loob ng isang linggo o pagkaraan ng mabilis na proseso ng kanilang requirements na dumaan help desk.

Hinikayat din ng alkalde ang mga Maloleño na may kaanak sa Middle East na magpalista sa kanilang help desk upang ma-inventory niya ang kanyang mga kababayang nasa crisis area para mabigyan ng kaukulang tulong ng city government.

Sinasabing nakahanda rin tumulong ang pamahalaang lungsod sa mga Maloleñong OFW na nangangailangan ng pamasahe pauwi at pabalik kung kinakailangan.

Dumagsa naman sa social media ang pasasalamat ng maraming Maloleño OFW na kasalukuyang nasa Middle East at kanilang mga kaanak sa bansa sa maagap na pagtulong ng pamahalaang lungsod. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here