Home HOME BANNER STORY Pilot test ng Globe Telecom sa Starlink satellite-to-mobile service, matagumpay

Pilot test ng Globe Telecom sa Starlink satellite-to-mobile service, matagumpay

225
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Globe Telecom noong Martes ang matagumpay na pilot test ng Starlink satellite-to-mobile service na naglalayong magbigay ng koneksyon sa mga lugar na walang cell signal.

Isinagawa ang trial sa Rizal, Batangas, at Bataan, gamit ang Starlink Low Earth Orbit satellites na direktang naka-integrate sa core network ng Globe. Sinabi ng kumpanya na gumagana ang teknolohiya bilang “cell tower sa kalawakan,” na nagbibigay ng SMS, tawag, at data sa karaniwang LTE smartphones nang hindi kailangan ng dagdag na hardware o apps.

Ayon kay Joel Agustin, Globe Senior VP for Service Planning and Engineering, makakatulong ito lalo na sa panahon ng sakuna at sa mga GIDA (Geographically Isolated and Disadvantaged Areas), pati na rin sa coverage sa dagat hanggang 12 nautical miles mula sa baybayin.

Sa pilot test, nagawa ng mga user sa dead zones ang mga digital tasks tulad ng GCash transactions, e-government services, at messaging apps. Plano ng Globe at Starlink na palawakin pa ang testing bago ang full commercial rollout. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here