Home METRO Binatang may 27 counts sa kasong panggagahasa, arestado

Binatang may 27 counts sa kasong panggagahasa, arestado

148
0

ISABELA, Philippines – Arestado ang isang binata may kinakaharap na kasong panggagahasa o rape na 27 count na tinaguriang Top 2 Most Wanted Person sa Region 02  matapos ang matagumpay na pagkaaresto ng mga kapulisan sa Brgy. Ueg, San Mariano, Isabela

Sa pinaigting na kampanya sa pagtugis  sa mga nagkasala sa batas ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay naaresto si alyas “Benito”, 23 anyos, walang trabaho at residente ng  Brgy. Ueg, San Mariano, Isabela.

Sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A (1)(d) ng Revised Penal Code (27 counts) ay naaresto dakong 3:15 ng hapon na isinagawa ng mga operatiba ng San Mariano Municipal Police Station katuwang ang PIU-IPPO at RIU PIT Isabela East ang matagumpay na pag-aresto.

Ang naturang Warrant of Arrest ay inilabas noong Pebrero 3, 2026 ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 18, Ilagan City, Isabela, na walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay PCOL Bringas, “Ang pagkakaaresto sa isang Regional Top Most Wanted Person ay patunay ng patuloy na pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad na hindi titigil ang kapulisan sa pagtugis sa mga indibidwal na nagtatago sa batas upang mapanagot sila sa kanilang mga nagawang krimen at matiyak ang hustisya para sa mga biktima.”

Ang suspek ay pansamantala nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here