Home NATIONWIDE Solo lotto bettor naka-jackpot ng P100 milyon!

Solo lotto bettor naka-jackpot ng P100 milyon!

183
0

MANILA, Philippines — Isang bettor ang nanalo ng jackpot prize na P100,331,631.91 sa Ultra Lotto 6/58 noong draw ng Martes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nakuha ng nanalo ang kombinasyong 29-52-49-55-25-09, at binili ang winning ticket sa isang lotto outlet sa Cebu.

Samantala, walang nanalo sa iba pang major lotto draws. Ang Superlotto 6/49 na may numerong 33-09-22-37-44-25 ay may jackpot na P117,854,307.91, habang ang Lotto 6/42 (17-36-05-07-08-38) ay may premyong P15,639,575.61. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here