Home NATIONWIDE Pulo-pulong pag-ulan mararanasan sa amihan

Pulo-pulong pag-ulan mararanasan sa amihan

140
0

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang maulap na kalangitan at mga pulu-pulong mahinang pag-ulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon dulot ng Northeast Monsoon o amihan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules.

Sa kanilang 4 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na wala pang minomonitor na low pressure area na maaaring maging bagyo.

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan ang Batanes, Cagayan, at Isabela dahil sa amihan. Dulot din ng parehong weather system ang bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may panaka-nakang mahinang ulan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, at iba pang bahagi ng Cagayan Valley.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here