Manila, Philippines – Nagpupuyos sa galit si Ethel Booba matapos makatikim ng pang-ookray mula sa isang netizen sa gitna pa mandin ng kanyang online selling.
Nilibak kasi ng netizen ang itsura ni Ethel—na hindi nito pinalampas.
Nasa comment section kasi ng vlog ni Ethel ang pagtawag sa kanya ng “gurang” at “kulubot” ng netizen.
Gamit ang ini-screen shot na comment ng nang-alipustang netizen, ‘di napigilan ni Ethel na pumatol.
Inilagay pa nito ang fez ng netizen sa Facebook.
Bilang resbak, tinawag naman ni Ethel ang netizen na “aswang” at “bruha.”
Hirit pa ni Ethel: “Wala ka bang salamin sa inyo? Padalhan kita! Free shipping ko na! Bruha ka! Luh!
“Sariwa kaaaaa! Aswang ka!!!”
Nakatagpo naman ng mga kakampi si Ethel.
Hayun, kinuyog ang pobreng netizen!
“Na-back to you ka tuloy, haha!”
“Ayan, na-real talk ang nanlait!”
“Si ate, makapintas… wagas! Look at you, natawa ako sa iyo, ate.”
Kung tutuusin, ang dapat mas pansinin ng netizen ay ang kawalan ng ambag ng dyowa ni Ethel.
Lumalabas kasi na hindi ito nagbabanat ng buto! Ronnie Carrasco III