Home NATIONWIDE US Embassy sa Baghdad, tinarget ng drone attack

US Embassy sa Baghdad, tinarget ng drone attack

168
0

MANILA, Philippines – Isang drone attack ang tumarget sa US Embassy sa Baghdad nitong Miyerkules ng madaling araw, kung saan nakarinig ng pagsabog malapit sa diplomatic compound, ayon sa mga security source.

Sumunod ito sa serye ng pag-atake isang araw bago nito, kung saan pinaputukan din ng rockets at drones ang embahada na nagpaandar ng mga sirena sa lugar. Hindi bababa sa tatlong explosive drones ang tumama rin sa isang US diplomatic facility malapit sa Baghdad International Airport, na nag-activate sa C-RAM air defense systems.

Naganap ang mga pag-atakeng ito sa gitna ng tumitinding tensyon, habang patuloy na tinatarget ng mga grupong suportado ng Tehran ang interes ng US sa Iraq bilang ganti sa US-Israeli war laban sa Iran na nagsimula noong Pebrero 28.

Wala pang naitatalang nasawi o napinsala sa insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here