Home ENTERTAINMENT Ricci, tinawag na oportunista!

Ricci, tinawag na oportunista!

178
0

Manila, Philippines – Bawal maging judgmental.

Angkop na sabihin ito sa mga bashers ni Ricci Rivero na ang pinagbasehan ay ang video’t photos nila ng rumored girlfriend na si Juliana Gomez.

Pinalalabas kasi ng mga kritiko ni Ricci na isa siyang oportunista—na mukha raw sa Forbes na ito maninirahan once magkatuluyan sila ng anak nina Cong. Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.

Bale ba, umabot na sa pamemersonal ang banat kay Ricci—mukha raw kasing dugyot ang hitsura.

Ito’y sa kabila ng pagiging UP graduate nito.

Ang babaw ng obserbasyon kay Ricci, to think na ibinatay lang naman ito ng mga bashers sa recent video’t photos taken at the Lubao International Balloon and Music Festival sa Pampanga.

Makikita kasi sa video na nasa sweet mode sina Juliana at Ricci na magkahawak-kamay while listening and enjoying the music of Parokya ni Edgar.

Tila may iginawad pang kiss si Ricci sa dalaga.

Aware kaya ang mga bashers na nakakaangat sa buhay ang pamilya ni Ricci na tinatawag nilang oportunista?

Na may thriving business ang Rivero family? Na may something din naman ito between his ears, bilang UP graduate?

Hindi ba puwedeng maging masaya na lang ang mga ito para kina Juliana at Ricci?

Ano ‘to, modern-day Romeo and Juliet? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here