Home NATIONWIDE Pormal na impeachment probe ng Kamara vs VP Sara, itinakda sa Marso...

Pormal na impeachment probe ng Kamara vs VP Sara, itinakda sa Marso 25

174
0

MANILA, Philippines – Magsisimula na sa Marso 25, 2026 ang pormal na pagdinig ng House Committee on justice sa impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte, kung saan sisimulan na ang presentasyon ng ebidensya at mga testigo, ayon kay Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro.

Ito ay matapos aprubahan ng Kamara ang resolusyon na nagpapahintulot sa komite na ipagpatuloy ang pagdinig kahit naka-recess ang Kongreso mula Marso 21 hanggang Mayo 3.

“Our next hearing will be March 25. This will be intended for the hearing proper already, which means presentation of evidence and witnesses,” ani Luistro sa isang panayam.

Dagdag pa niya, nakatakda na rin ang mga susunod na pagdinig sa Abril 14, Abril 22, at Abril 29 upang matiyak ang pagdalo ng mga miyembro kahit naka-break ang sesyon.

“At least we have four hearing days, which are predetermined already,” aniya.

Ipinaliwanag ni Luistro na kinakailangang maagang itakda ang mga petsa dahil inaasahang abala ang mga mambabatas sa kani-kanilang distrito habang recess.

“We actually have to do this because if you will remember, we are on recess. So we need to inform way ahead the members of the justice committee because itong recess na ito (this recess), they are taking advantage of this to address all their concerns in the district,” dagdag niya.

Nauna nang kinilala ng komite noong Marso 4 na sapat sa substansya ang mga reklamong impeachment laban kay Duterte. Kabilang sa mga paratang ang betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution kaugnay ng umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds at pagbabanta umano sa buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang pamilya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here