Home METRO Tatay nahuling ‘bumabatak’ tinigbak ng anak

Tatay nahuling ‘bumabatak’ tinigbak ng anak

155
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 47-anyos na lalaki matapos umano itong saksakin ng kanyang menor de edad na anak sa Batangas City kasunod ng pagtatalo hinggil sa paggamit ng ama ng ilegal na droga.

Kinilala ang biktima na residente ng Barangay Sta. Clara, na idineklarang dead on the spot matapos magtamo ng saksak sa leeg. Naganap ang insidente bandang alas-2 ng hapon nitong Lunes, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli umano ng suspek ang kanyang ama na gumagamit ng shabu, na nagdulot ng mainit na pagtatalo na nauwi sa karahasan. Gumamit umano ang anak ng balisong sa pananaksak.

Matapos ang insidente, kusa namang sumuko ang suspek sa mga opisyal ng barangay at kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas City Police Station.

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kasong parricide laban sa suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here