Home NATIONWIDE Papel ng media vs fake news, disinformation, binigyang-diin ni PBBM

Papel ng media vs fake news, disinformation, binigyang-diin ni PBBM

157
0

MANILA, Philippines – Kinikilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang papel ng media o ng mga mamamahayag sa gitna ng ‘global uncertainties’ sa gitna ng umiigting na labanan at tensyon sa Gitnang Silangan.

Ito’y matapos hikayatin ng Pangulo ang media groups na tulungan ang publiko sa pagdetermina ng katotohanan at pagtukoy sa fake news.

“In this time of global uncertainty, we lean on to our media to be the bearers of facts, to police abuse, and to be the voice of our people,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa oath-taking ng mga bagong halal na opisyal at mga namumunong kinatawan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.

“With the crises and the difficulties and the shocks that the world is providing not only the Philippines but the entire globe, it is more essential than ever that we combat fake news and disinformation,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.

Winika pa ng Pangulo na ang gobyerno ay “is in great need of help of all the media practitioners” para makakuha ng mahalagang impormasyon sa interbensyon nito, totoong situwasyon ng mundo at ng bansa.

“And so that our people, as I have mentioned, can make the proper decisions, can go to the right – can go to the right people for assistance, and are knowledgeable about what is available in terms of what help can be provided to them,” aniya pa rin.

Batid din ng Pangulo ang panganib na kinahaharap ng mga mamamahayag, sabay sabing ang Pilipinas ay nananatiling isa sa “most dangerous places” para sa mga mamamahayag.

Tinukoy nito ang 2025 World Press Freedom Index kung saan ang Pilipinas ay pumwesto sa pang-116 mula sa 180 bansa at teritoryo na aniya’y naglalarawan sa bansa bilang “generally having a difficult and complicated media landscape.”

Ang Pilipinas din aniya ay pumwesto sa pinakamataas sa loob ng 21 taon.

“The spread of misinformation and disinformation particularly on social media also pose a “great challenge”, ang tinuran ni Pangulong Marcos.

“Bilang lingkod-bayan na halos araw-araw na humaharap sa media, nauunawaan ko ang bigat ng inyong trabaho,” anito.

“Hindi madaling magtanong, mag-ulat, at maglahad ng katotohanan—lalo na kung may panganib na kaakibat ito,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Kaya nga, muling pinagtibay ng Pangulo ang kanyang commitment na pangalagaan ang Filipino journalists.

“That is why this Administration has made it clear that the safety and welfare of our journalists must be protected at all times,” ang sinabi ng Pangulo.

“Sisikapin din namin na makamit ng mga biktima at kanilang mga mahal sa buhay ang hustisya,” aniya pa rin.

Tinukoy naman ng Punong Ehekutibo ang ilang inisyatiba ng kanyang administrasyon para labanan ang karahasan at pagbabanta laban sa mga mamamahayag at labanan ang fake news.

Kabilang na rito ang memorandum of agreement sa pagitan ng Presidential Task Force on Media Security at National Bureau of Investigation, partnership kasama ang Public Attorney’s Office, partnership ng DICT sa Google at Meta para palakasin ang ‘content safeguards’ kasunduan sa pagitan ng Presidential Communications Office sa print media para ipatupad ang “Oplan Kontra Fake News.”

Binigyang diin din ng Pangulo ang pagtatatag ng kanyang administrasyon ng ‘greater transparency at accountability’ sa burukrasya kung saan “supports [their] efforts to report facts – to have facts and truth reported”.

Binanggit din ng Pangulo ang ginagawang pagsusulong ng kanyang administrayson na maipasa ang Right to Information Act na nakasama sa LEDAC Common Legislative Agenda for the 20th Congress, paglulunsad ng DPWH Transparency and Integrity Chain Portals at Project Digital Imaging for Monitoring and Evaluation (Project DIME).

“Ang lahat ng ito ay para sa ating lipunan at ang pagpapalakas ng ating demokrasya. Kapag malaya ang pamamahayag at madaling makakuha ng tamang impormasyon, mas nagiging bukas ang pamahalaan,” ang pahayag ng Pangulo.

“Kapag responsable ang pagbabalita, mas nagiging matalino at maayos ang desisyon ng ating mga mamamayan. At kapag naman ay nagtutulungan tayong lahat – ang media at ang pamahalaan – mas napapalakas ang ating demokrasya,” dagdag na wika nito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here