Home NATIONWIDE PDLs matagumpay na nakapagrehistro sa on-site registration ng Comelec

PDLs matagumpay na nakapagrehistro sa on-site registration ng Comelec

317
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa tulong ng Commission on Elections (Comelec), ang on-site voters’ registration para sa persons deprived of liberty (PDLs) sa Bansud District Jail noong Marso 17.

Isinagawa ang aktibidad sa koordinasyon sa Bansud local government unit Comelec Satellite Office para maihatid ang serbisyo ng gobyerno ng direkta sa loob ng pasilidad para masiguro na maabot ng kwalipikadong registrants.

Kabuuang 99 PDLs, na binubuo ng 86 lalaki at 13 babae ang matagumpay na nakapag rehistro, ayon sa BJMP

Sa isang pahayag, sinabi ni JO3 Joefrie Anglo, tagapagsalita ng BJMP Mimaropa, na ang inisyatibo ay nagpapakita ng dedikasyon ng ahensya sa pangangalaga sa mga konstitusyunal na karapatan ng mga PDL.

Muling binigyang-diin ng mga opisyal ng BJMP na bukod sa kanilang tungkulin sa pangangalaga, nakatuon ang ahensya sa mga programa na nagtataguyod ng kapakanan, rehabilitasyon, at reintegrasyon ng mga PDL, kabilang ang mga inisyatibo na nagpapalakas ng kamalayan sa sibika at pakikilahok.

Ang on-site registration ay bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap na palawakin ang voter education at saklaw ng registration sa lahat ng sektor na tinitiyak na walang karapat-dapat na Pilipino na maiiwan sa paggamit ng demokratikong karapatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here