BATAAN, Philippines – Timbog ang dalawang (2) drug suspek matapos masakote ang mga ito sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Gabon, Abucay.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Nadakip ang mga suspek na magkasabwat umano sa pagbebenta ng shabu sa undercover police.
Narekober sa mga suspek ang nasa 3.38 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na higit P22,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)