Home METRO Batang Laguna nagbigay buhay sa Tunog 80’s to 90’s

Batang Laguna nagbigay buhay sa Tunog 80’s to 90’s

182
0

LAGUNA, Philippines – Dinagsa ang Laguna Provincial Capitol Grounds ng mga taong gustong manood para masaksihan na nagbigay buhay sa tunog 80’s to 90’s sa siglang ipinamalas ng mga “Batang Laguna” sa selebrasyon ng Anilag Festival Level Up 2026 na ginanap kahapon sa Laguna Provincial Capitol Ground sa isinagawang kompetisyon.

Makikita ang ipinamalas ng mga kabataang kalahok ang makulay na selebrasyon ng musika, sayaw at kasuotan mula sa nakaraan taong 80:s at 90’s.

Pinangunahan ni Laguna Governor Sol Aragones, kasama si Provincial Administrator Atty. Nathalie Irene Velasquez, opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, at ang Laguna Tourism, Culture, Arts, and Trade Office (LTCATO), katuwang ang mga tourism officer mula sa iba’t ibang bayan at lungsod.

Itinampok sa programa ang talento ng 12 kalahok na lokalidad, bawat delegasyon ay naghatid ng kahanga-hangang pagtatanghal ng sayaw, suot ang makukulay na kasuotan, habang sumasabay sa mga tanyag na awitin ng 80’s at 90’s, na nagbigay ng masigla at malikhaing himig sa buong okasyon.

Bukod dito kabilang din sa idinaraos na Anilag Festival Level Up 2026 ang SAYAWIT Sing and Dance Competition kung saan 24 na bayan sa lalawigan ng Laguna ang lumahok at nagkaroon din ng makukulay at nakakahangang Fire Works Display.

“Hindi na lang sayaw, may awit pa na kasama at sabi natin hindi ang jingle ng probinsya ng ANILAG Festival Level Up ang gagamitin ninyo sa inyong SAYAWIT kundi ang sarili ninyong awitin sa bawat munisipyo at mga city ninyo,” ayon kay Laguna Governor Aragones.

Aniya, hinahangaan nito ang mga ipinamalas at ipinakitang talento ng mga Lagunense na may temang “Bakit Level Up? Dahil Level Up ang talento.”

Pinasalamatan ni Aragones ang lahat ng dumalo at sumuporta para makiisa sa selebrasyon ng Anilag Festival Level Up 2026 kabilang ang buong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga Mayor at Vice Mayor.

Samantalang, itinanghal na Champion sa SAYAWIT Sing and Dance Competition ang bayan ng Los Baños kung saan nasungkit naman ng lungsod ng Biñan ang 1st Place sa Tunog 80’s to 90’s Batang Laguna. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here