Home METRO 92% ng Barangay sa Ilocos Norte, drug-cleared na

92% ng Barangay sa Ilocos Norte, drug-cleared na

155
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Iniulat ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) nitong Huwebes na 92% ng drug-affected na barangay sa probinsya ay drug-cleared na.

Sa 559 barangay sa Ilocos Norte, 41 pa ang may problema sa droga, 484 ay cleared na, at 34 ay hindi apektado, ayon sa Ilocos Norte Provincial Barangay Drug-Clearing Team.

“The Ilocos Norte police continues to intensify its efforts in the implementation of the Barangay Drug Clearing Program, in close coordination with our partner agencies and local government units across the province,” sabi ni Col. Joemar Labiano, INPPO director.

Ang isang barangay ay idineklara bilang drug-cleared kapag dating drug-affected ito at nakumpleto na ang mga aktibidad laban sa ilegal na droga.

Hanggang ngayon, Laoag City ang may pinakamaraming drug-affected na barangay na 35, sinundan ng Bangui (3), Pasuquin (2), at San Nicolas (1).

Hinihikayat ng pulisya, katuwang ang Department of Health, DILG, at PDEA, ang publiko na suportahan ang laban kontra droga. Layunin nilang mapanatili ang drug-cleared barangay sa pamamagitan ng kolaborasyon, monitoring, at partisipasyon ng komunidad, para makamit ang drug-resistant at self-policing communities pagsapit ng 2030. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here