MANILA, Philippines – Pinalalawak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga mangingisda sa iba’t ibang rehiyon upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.
Sa Eastern Visayas, ipamahagi ang ₱3,000 bawat isa para sa mga mangingisdang may motorized boats, sa ilalim ng Fuel Discount Program for Farmers and Fisherfolk Program.
Nagsimula na ang distribusyon ngayong buwan at inaasahang makukumpleto bago matapos ang Abril.
Bahagi ito ng mas malawak na plano ng BFAR na makapagbigay ng higit 23,000 fuel cards sa rehiyon, kung saan mahigit ₱17.8 milyon na ang naipamahagi sa 14,341 benepisyaryo.
“The first tranche of distribution began in 2022, while the third tranche is currently underway to assist fisherfolk affected by increasing fuel prices in the market,” ani BFAR regional information officer Cristine Gresola.
Sa Ilocos naman, nagsimula na rin ang pamamahagi ng kaparehong ayuda, kung saan 156 na mangingisda mula sa Bangui, Currimao, Burgos, at Pasuquin ang nakatanggap ng kabuuang ₱648,000.
Palalawakin pa ito upang makinabang ang 1,895 rehistradong fishing vessels sa siyam na coastal municipalities, habang 314 mangingisda sa Ilocos Sur ang nabigyan na rin ng subsidy.
“More fuel subsidy cards will be issued in the coming days to benefit nine coastal municipalities in Ilocos Norte, supporting a total of 1,895 registered fishing vessels,” ani provincial fishery officer Vanessa Abegail Dagdagan-Alimbuyuguen.
Nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa tulong ng pamahalaan.
“We are thankful to the government for the fuel subsidy program. This is a big help for us to go fishing,” said Dennis Ratuita. “Thank you, Mr. President. This means a lot to us,” dagdag ni Ryan Castillo.
Ayon sa BFAR, ang mga benepisyaryo ay tinutukoy batay sa kanilang rehistrasyon sa mga opisyal na database ng sektor ng agrikultura, habang patuloy ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na maabot ang iba pang kwalipikadong mangingisda. Santi Celario